
Inamin ng aktor na matinding paghahanda ang ginawa niya para sa role na ito. Abangan si Kiko sa 'That's My Amboy.'
By GIA ALLANA SORIANO
Unang nakatrabaho ni Kiko si Barbie sa ‘Reel Love presents Tween Hearts’ kung saan naging ka-love triangle rin siya ng aktres. Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, kinuwento ng aktor: “Unang pasok ako, love triangle rin ako ni Barbie and Joshua Dionisio. Ngayon naman Barbie and Andre.”
READ: Barbie Forteza at Andre Paras balik tambalan sa 'That's My Amboy'
Magkakatrabaho muli ang dalawa sa That’s My Amboy, kung saan gagampanan niya ang role ni Patrick Almelda. Siya ang magiging kaagaw ni Bryan Ford (Andre Paras) sa puso ni Maru (Barbie Forteza.)
READ: Barbie Forteza starts 'That's My Amboy' taping
Inamin din niya na matinding paghahanda ang ginawa niya para sa role na ito. Aniya, “Ang dami ko nang ni-review, 'yung research material ko, ang dami ko nang ni-research, ayoko mapahiya eh.”
READ: 'That's My Amboy' relatable para sa mga taga-showbiz?