
Pagkatapos ng 'The Half Sisters' muling magkakasama sina Barbie Forteza at Andre Paras sa romantic-comedy na 'That's My Amboy,' na mapapanood sa GMA Telebabad simula January 25.
By GIA ALLANA SORIANO
Pagkatapos ng The Half Sisters muling magkakasama sina Barbie Forteza at Andre Paras sa romantic-comedy na That's My Amboy na magsisimula na this January 25 sa GMA Telebabad!
READ: Barbie Forteza at Andre Paras balik tambalan sa 'That's My Amboy'
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, sinagot ni Barbie kung ano ang first impression niya sa kanyang leading man nung una silang magkatrabaho.
Ika niya, "Noong una naiilang ako sa kanya kasi parang suplado siya, eh. Tsaka parang ayaw niya ng may kausap, 'yun pala naghihintay lang siya na kausapin siya, kasi nahihiya siya. And naiintindihan ko rin naman 'yun kasi nga first soap din naman niya yung The Half Sisters, so naninibago pa rin siya."
"Buti na lang madaldal ako, lagi ko siyang dinaldal, kaya naging okay din kami hanggang sa lumabas na rin 'yung [makulit] na side niya."
WATCH: That's My Amboy: AnBie on Primetime