Barbie Forteza at Andre Paras balik tambalan sa 'That's My Amboy'
Tuloy ang kilig sa pinakabagong soap nina Barbie at Andre, ang 'That's My Amboy.'
By GIA ALLANA SORIANO
Kahit papalapit na ang finale ng top-rating serye na The Half Sisters, hindi dapat malungkot ang fans nina Andre Paras at Barbie Forteza dahil may sorpresa ang dalawa sa pagpasok ng 2016.
WATCH: The Half Sisters: Ang pagkikita nina Bradley at Diana
Kilala sa fans nila bilang AnBie, muli nila tayong paiibigin sa bagong Primetime drama, ang That's My Amboy.
Ang That's My Amboy ay pagbibidahan ni Barbie Forteza bilang Maria Rosario 'Maru' Carreon, isang hardworking na anak ng former aktres na si Cecille Carreon. Dahil sa isang unfortunate incident, magiging PA si Maru ni Bryan Harrison, isang hot celebrity na gagampanan naman ni Andre Paras.
Kasama rin dito si Kiko Estrada bilang Patrick Almelda, ang rising star na karibal naman ni Bryan sa limelight.
Ipapalabas ang That's My Amboy ngayong January 2016 kapalit ng Marimar.