Meet the cast of murder mystery drama series 'Widows' War'
Ongoing ang taping para sa bagong murder mystery drama na 'Widows' War.'
Bago ang nalalapit na pagpapalabas nito sa GMA, isang pictorial ang isinagawa para sa cast ng serye.
Present dito sina Bea Alonzo at Carla Abellana, ang lead stars ng upcoming series.
Bukod sa dalawang bigating Kapuso actresses, sumalang din sa pictorial ang kanilang co-stars.
Silipin ang in character at glam look ng 'Widows' War' cast sa gallery na ito.
Bea Alonzo and Carla Abellana
Presenting, ang lead actresses ng 'Widows' War' na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Mapapanood sa serye sina Bea at Carla bilang best friends na sina Sam at George na kalaunan ay masisira ang pagkakaibigan dahil sa kani-kanilang mga problema sa buhay.
Tonton Gutierrez
Ang veteran actor na si Tonton Gutierrez ay makikilala sa serye bilang si Galvan Palacios, ang COO ng mining company na pagmamay-ari mismo ng kanyang pamilya.
Jeric Gonzales
Si Jeric Gonzales ay mapapanood dito bilang si Francis Castillo, ang kapatid ni Sam na karakter naman ni Bea Alonzo.
Jackie Lou Blanco
Kabilang din sa cast ang aktres na si Jackie Lou Blanco. Makikilala siya sa serye bilang si Ruth Balay, ang nanay ni George (Carla Abellana).
Lito Pimentel
Ang aktor na si Lito Pimentel ay mapapanood naman sa serye bilang si Amando, ang mayordomo ng Palacios family.
Timmy Cruz
Ang actress-singer na si Timmy Cruz ay makikilala ng viewers bilang si Mercy Castillo, ang ina nina Sam at Francis (Bea Alonzo at Jeric Gonzales).
Rita Daniela
Ang singer-actress na si Rita Daniela ay mapapanood sa serye bilang si Rebecca, first cousin nina Paco (Rafael Rosell) at Basil (Benjamin Alves).
Royce Cabrera
Ang Sparkle actor na si Royce Cabrera ay makikilala sa serye bilang isang household staff.
James Graham
Noong 2023, napanood si James bilang si Louie sa GMA murder mystery series na 'Royal Blood.'Mula sa naturang serye, tatawid ang kanyang karakter sa 'Widows' War.'
Charlie Flemming
Makikilala si Charlie Flemming sa serye bilang si Sofia, siya ay anak ni Galvan Palacios (Tonton Gutierrez).
Matthew Uy
Ang Sparkle heartthrob na si Matthew Uy ay mapapanood dito bilang si Edward, ang nakababatang kapatid ni George (Carla Abellana).
Jean Garcia
Parte rin ng cast ang seasoned actress na si Jean Garcia. Makikilala siya rito bilang si Aurora Palacios.
Benjamin Alves
Si Benjamin Alves ay gaganap bilang si Basil, ang mapapangasawa ni George (Carla Abellana).