Julie Anne San Jose, John Rex at iba pang Kapuso Singers, nagpasaya sa Kapuso Mall Show sa Zamboanga
Isang fun at musical day ang handog ng Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose, John Rex, Mariane Osabel at Hannah Precillas sa naganap na Kapuso Mall Show sa Zamboanga.
Pinuno nila ng saya ang mall show kaya naman kitang-kita rin ang tuwa at ligaya ng kanilang fans na dumalo.
Tingnan kung paano nakikanta sina Julie, John Rex, Mariane at Hannah sa mga Kapusong Zamboangueño sa gallery na ito:
Julie Anne San Jose
Pinatunayan ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose na isa talaga siyang powerhouse performer sa awiting handog niya sa mga Kapuso sa Zamboanga.
Admirable talent
Hindi rin mapigilan ng mga Kapusong Zamboangueño na hangaan ang talento ng Asia's Limitless Star sa kaniyang performance.
Like a Queen
Tila isang tunay na reyna si Julie Anne na pinagkakaguluhan ng kanyang fans at supporters.
John Rex
Isang all-out na performance din ang hatid ng The Clash champion na si John Rex para sa mga Kapusong Zamboangueño na dumalo sa mall show.
Powerful vocals
Ipinamalas din ni John Rex ang kaniyang powerful vocals sa naganap na Kapuso Mall Show sa Zamboanga.
Admiration
Punong-puno din ng paghanga ang mga manonood kay John Rex na nagpaunlak na magpakuha ng pictures kasama ang kaniyang fans.
Mariane Osabel
Isang heartwarming na performance naman ang hinandog ni Mariane Osabel para sa mga Kapusong Zamboangueño.
Full of love
Full of love ang mga Zamboangueño na dumalo sa Kapuso Mall Show Kitang-kita sa naglalakihang ngiti ng fans ang paghanga nila sa All-Out Sundays diva.
Top of her game
At the top of her game si Mariane both sa pagpe-perform at pag-entertain ng mga manonood na dumalo sa Kapuso Mall Show.
Hannah Precillas
Ibang husay sa pagkanta at pagpapasaya naman ang hatid ni Hannah Precillas sa mga dumalo sa Kapuso Mall Show sa Zamboanga.
One of the best performers
Alam din ng mga Zamboangueño na dumalo na isa si Hannah sa best performers kaya naman full-support din sila sa Kapuso singer.