
"My last picture with Papa..." - Rita Daniela
By AL KENDRICK NOGUERA
Dumaraan ngayon sa matinding pagsubok ang pamilya ng Kapuso singer-actress Rita Daniela matapos pumanaw ang kanyang ama na si Red Valdez kamakailan lamang.
Saktong araw ng Pasko ay nag-post si Rita ng litrato na tila burol ng ama.
Isang nakakaiyak na mensahe naman ang ipinaabot ni Rita para sa ama sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.