
"You made my Christmas really really really special by coming home to the Philippines! I'm very humbled by your love and support, Ate Malou!" - Kris Bernal
By AL KENDRICK NOGUERA
Isang fan ni 'Little Nanay' star Kris Bernal ang natupad ang pangarap matapos niyang makauwi ng Pilipinas ngayong Holidays upang makasama ang Kapuso actress.
Sa kanyang pag-uwi, dala-dala niya ang larawan ni Kris na gawa sa cross-stitch. Nasorpresa naman ang aktres sa regalong ito ng kanyang fan na nagngangalang Malou.
"I absolutely did not deserve the time and effort you put into making this! Sobra-sobra naman 'to. You made my Christmas really really really special by coming home to the Philippines! I'm very humbled by your love and support, Ate Malou! Thank you! Thank you! Thank you!" pasasalamat ni Kris sa kanyang fan.