Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Alamin ang kapangyarihan ng hangin sa 'Nobita and the Mysterious Wind Wizard'

Updated On: March 10, 2020, 03:42 PM

May mapapadpad na maliit na ipo-ipo sa bayan ni Nobita at susundan siya nito pauwi.

May mapapadpad na maliit na ipo-ipo sa bayan ni Nobita at susundan siya nito pauwi.

Hindi sinasadyang magugulo ng ipo-ipo ang bahay ni Nobita. Pero dahil mabait naman ito, papangalanan niya ito ng Fuko at ituturing na alaga.

Kalaunan, malalaman nina Doraemon at Nobita na galing pala sa Wind Village si Fuko. Gamit ang Anywhere Door, ihahatid nila ito sa kanyang bayan.

Pero may isang misteryosong nilalang ang susunod sa kanila pauwi!

Ano kaya ang balak ng nilalang na ito sa mundo ng mga tao?

Alamin ito sa Doraemon Movie: Nobita and the Mysterious Wind Wizard. Panoorin ang Part 1 sa December 26, pagkatapos ng Cross Fight B-Daman at ang Part 2 naman sa December 27, pagkatapos ng Tobot sa Astig Authority ng GMA!

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.