
Bakit kailangang magaling ka sa math para sa diet trick ni Ina?
By ANN CHARMAINE AQUINO
Sa Sarap Diva, ibinahagi ni Ina Raymundo ang kanyang diet trick at ilan sa kanyang mga pinagkakaabalahan ngayong holiday season.
Kuwento ni Ina, may cheat day pa rin naman daw siya kahit na strict siya sa kanyang food intake. Aniya, "Siyempre meron naman akong exception. Mayroon din naman akong cheat din."
Dagdag ni Ina, "Usually kasi 'pag kumain ako ng sweets, hindi na ako nagra-rice. Parang 'yun na 'yung minus ko. Kahit papaano nakabawas pa rin sa calories.
"Basta may mental calculator ako. Kailangan magaling ka sa math. Dahil 'pag mahina ka sa math hindi magwo-work," biro ni Ina.
LOOK: Ina Raymundo is #FitAt40