
Diretsahan din tinanong ng Kapuso anchor si Yaya Dub kung mas lalo ba siyang yumaman sa dami ng kaniyang TV commercials ngayon, pero nanatili pa din humble ang 'Eat Bulaga' star.
By AEDRIANNE ACAR
Tinutukan ng buong bansa ang episode ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho' (KMJS) kagabi (December 13) kung saan personal na na-interview ng Kapuso anchor Jessica Soho ang phenomenal star ng 'Eat Bulaga' na si Maine Mendoza.
In Photos: Kapamilya stars bilib sa AlDub
Kapuso Year in Review 2015: Kilig throwback of AlDub’s many firsts
Dito isa-isang sinagot ng AlDub actress ang maiinit na isyu patungkol sa kanila ng kanyang kapareha na si Alden Richards. Sa episode kagabi, tinanong ni Ms. Jessica Soho ang dalaga kung ano ang opinyon niya na tila sila ni Alden ang bagong hari at reyna ng TV commercials dito sa Pilipinas.
Ayon kay Maine, kahit siya ay hindi makapaniwala sa dami ng blessings na dumadating.
"Naku actually po 'yung mga endorsements po ngayon 'yung dating po nila sobrang nabigla din po ako, kasi sunod-sunod siya eh. Nagugulat din ako na parang every week mayrung shoot na naman ng endorsement, pero happy po kasi blessings naman siya."
Kamakailan nga kinilala ng BBC ang lakas ng loveteam ng AlDub sa isa nilang report dahil maraming kumpanya ang pinipili na silang maging endorser.
Diretsahan din tinanong ng Kapuso anchor si Yaya Dub kung mas lalo ba siyang yumaman sa dami ng kaniyang TV commercials ngayon, pero nanatili pa din humble ang 'Eat Bulaga' star. "Ay hindi naman po [laughs]"
Cost of stardom
Nagbigay din si Maine ng kanyang reaction sa KMJS patungkol sa mga taong nag-ba-bash sa kanila ni Alden lalo na sa social media.
Tugon ng dalaga, hindi daw talaga siya naapektuhan sa mga negative comments na kanyang nababasa.
"Ngayon po ang daming nag-ba-bash talaga sa amin, sa AlDub and sa akin. Pero ako, before iniisip ko po talaga bakit pag nakakabasa ako ng negative about sa akin nagtataka ako bakit hindi po ako affected."
"Pero naisip ko ang weird dapat affected ako, kasi masama yung sinasabi nila tungkol sa akin, parang pangit. So parang, bakit ako bakit kebs lang [giggles] pero good thing naman po siguro na ganun po 'yung reaction ko po sa bashing po ng tao," dagdag ni Yaya Dub.