The cast of 'Balota' meet at its story conference
Bibida ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ngayong taon sa Cinemalaya entry na Balota.
Ang naturang pelikula ay co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, at writer and director na si Kip Oebanda.
Nagsama-sama ang ilang cast ng Balota sa naganap na story conference noong April 27 sa Quezon City at present dito sina Marian Rivera, Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Esnyr, Sassa Gurl, Ma-an Asuncion-Dagñalan, at Carlo Catu.
Kabilang din sa cast sina Gardo Versoza, Mae Paner, at Sue Prado.
Silipin ang naganap na story conference ng Balota sa gallery na ito.
Cast
Nagkita-kita na ang cast ng upcoming Cinemalaya film na Balota sa naganap na story conference noong Sabado (April 27) sa Quezon City.
Marian Rivera
Bibida ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang si Emmy, ang gurong magliligtas sa huling kopya ng balota sa gitna ng eleksyon.
Excitement
Sa panayam ng GMANetwork.com, excited na si Marian Rivera sa kanyang gagampanang role sa Balota.
“Kaya nga very excited ako paglaruan 'yung character niya kasi deglamorized ako this time,” lahad niya.
Will Ashley
Kabilang din sa stellar cast ng Balota ang Sparkle actor na si Will Ashley. Ayon sa aktor, excited na siyang makatrabaho ang co-stars niya sa pelikula.
Royce Cabrera
Happy at grateful ang Kapuso actor na si Royce Cabrera na mapabilang sa cast ng Balota.
"Grateful siyempre kasi Cinemalaya, Direk Kip, 'yung materyal, script, and then with Ms. Marian Rivera. Co-produced pa ng GMA Drama and Films. So, super happy and grateful and, at the same time, nervous," aniya sa GMANetwork.com.
Esynr
Labis ang saya at pasasalamat ng content creator na si Esnyr na mapabilang sa cast ng Balota.
“Super special po itong movie sa akin kasi it's a Cinemalaya film and being part of it na… who would've thought na from making TikToks lang po online, magiging parte po ako rito. And of course, kasama ko po [sa pelikula] ang nag-iisang Marian Rivera, together with such veteran actors and co-stars. I'm super excited po,” aniya sa GMANetwork.com.