What's Hot

Boobay, nagbalik tanaw sa kaniyang nakaraan sa isang Instagram post

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 29, 2020 10:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Lakas mo maka-#FlashbackFriday beh!


By FELIX ILAYA

Linggo-linggo makikitang nakikipag kulitan at tawanan si Boobay kasama ang mga kalurkey na host ng Celebrity BluffNgunit lingid sa kaalaman ng marami, mayroon din siyang mga pagsubok na pinagdaanan bago marating ang kaniyang kinatatayuan. 

WATCH: Ho-Ho-Holidays recipe 1: Chocolate Soda Chicken Wings 

Nang makita ni Boobay ang isang batang beki na nagtitinda ng sampaguita at rosas, bigla niyang naalala ang kaniyang nakaraan.
 

 

A photo posted by norman balbuena (@boobay7) on



Aniya, "Ayan oh, ang saya saya ni batang Beki habang nagbebenta ng Sampaguita at Rosas, ganiyan din ako noon nung nagbebenta-benta ako ng ice candy sa amin nung pumutok ang bulkang Pinatubo, ganiyang edad (din ako) hihi."

READ: Boobay, pinag-ipunan ang Pasko para sa pamilya 

Dahil na-inspire siya sa bata, naisipan ni Boobay na i-libre ito.

"May jollibee ka sakin mamya girl wait lang hihi... mwaaaaaaaah!!!! Salamat sa pagpapa-alala na kahit anung pagdaanan sa buhay, ngiti lang...tuloy lang..."

Nakakatuwang isipin na kahit madami nang na-achieve sa buhay si Boobay, marunong pa rin siyang lumingon sa kaniyang pinanggalingan. Lakas mo maka-#FlashbackFriday beh!