
Paano kaya tutulungan ni Crickett Crockett ang pamilya Plummer?

Isang musical na naman ang hatid ng Christmas Cartoon Festival ?ng GMA?.
Ang Cricket on the Hearth ay base sa isang nobela ng batikang manunulat na si Charles Dickens.
Sa araw ng Pasko, kakaibiganin ng cricket na si Crickett Crockett si Caleb Plummer at ang bulag nitong anak na si Bertha. Malungkot ang dalawa dahil ang anak ni Caleb na si Edward ay hindi pa bumabalik mula sa kanyang paglalakbay sa South America at pinaniniwalaang patay na. Bukod dito, ginigipit pa sila ng boss ni Caleb na si Mr. Tackleton.
Paano kaya tutulungan ni Crickett Crockett ang pamilya Plummer?
Alamin ito sa Christmas Cartoon Festival Presents... Cricket on the Hearth, December 9 at 10 pagkatapos ng Pokemon XY.