Nora Aunor on Chlaui Malayao: 'Magaling na bata, 'wag pababayaan [ng GMA]'
Kuwento ni Nora, hindi ito ang unang beses na nakasama niya si Chlaui sa isang proyekto dahil ngayong taon din ay nagkatrabaho sila sa isang episode ng 'Magpakailanman.'
By AL KENDRICK NOGUERA
Kapag Superstar na ang nagsabi, maniwala ka na!
"Magaling 'yung bata. Napakagaling niya," 'yan ang pahayag ng batikang aktres na si Nora Aunor nang tanungin siya tungkol sa pag-arte ng kanyang 'Little Nanay' co-star na si Chlaui Malayao.
READ: Nora Aunor, honored by Gusi Peace Prize International 2015
Kamakailan lang ay lumabas na si Chlaui bilang Chiechie, ang anak ng role ni Kris Bernal na si Tinay. Dahil Lola ni Tinay si Annie (Nora), tumatayo siyang great grandmother ni Chiechie.
READ: Kris Bernal on Chlaui Malayao: 'Napakabibong bata'
Kuwento ni Nora, hindi ito ang unang beses na nakasama niya si Chlaui sa isang proyekto dahil ngayong taon din ay nagkatrabaho sila sa isang episode ng 'Magpakailanman.'
"Nakasama namin siya sa 'Magpakailanman,' magaling na artista 'yung bata," pahayag ni Nora.
"Bihira ka makakakita ng ganoong klase. Dapat lang na talagang huwag pababayaan [ng GMA]," pagtatapos niya.