What's Hot

15 Kapuso stars, nadagdag sa Philippine Walk of Fame

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 6, 2020 9:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Pinangunahan ito ng Kalye-serye stars na sina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Alden Richards. 


By BEA RODRIGUEZ

Labinlimang Kapuso stars ang pinagkalooban ng bituin sa ika-sampung taon ng “Walk of Fame” sa Eastwood City kahapon.
 

 

On stage are your 2015 inductees to Eastwood Walk of Fame!Master Showman German "Kuya Germs" Moreno honors different...

Posted by Eastwood City on Tuesday, December 1, 2015

Nahirapan raw si Master Showman German Moreno kung sino ang mga hihirangin ngayong taon, “Kung ako ay mayaman lang at milyonaryo, [bibigyan] ko lahat ng artista mula sa namatay na nang una hanggang ngayon [at] ilalagay ko sabay-sabay. Taon-taon, madadagdagan ‘yan [basta] hintayin na lang nila ang tamang panahon.”

Pinangunahan ito ng AlDub at JoWaPao (Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros) na nagpauso ng “tamang panahon.”

Wala man si Pambansang Bae Alden Richards, ang Eat Bulaga darling na si Maine Mendoza ang tumanggap ng parangal. Saad niya sa Unang Hirit, “Dinadaanan ko lang ‘to dati pero ngayon, pangalan ko na ang nandiyan so sobrang happy.”

READ: AlDub and JoWaPao, get their own star in the Philippine Walk of Fame

Photo courtesy of GMA ARTIST CENTER

Pasok rin ang nakakakilig na tambalan nina Jake Vargas at Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose.

 

Humbled by this recognition. I now have my own star sa walk of fame! ???????? thank you Lord for letting me experience this wonderful feeling. Isa ito sa magiging motivations ko para lalong pagbutihin ang trabaho ko:) won't forget this day! Thank you GMA and Kuya Germs!!???? #EastwoodWalkofFame2015

A photo posted by Rocco Nacino (@nacinorocco) on


Wagi rin sina GMA artists Rocco Nacino at Buboy Villar na nakilala sa larangan ng pag-arte dahil sa kanilang mga acting awards. Solo namang nasungkit ng multi-awarded GMA reporter na si Kara David ang kanyang bituin sa pagbabalita.

Ang Philippine Walk of Fame ay tinuturing na tourist spot sa bansa ayon kay Kuya Germs, “Talagang dinadayo ito ng mga tao [at] ‘yung iba nagkukuha ng picture dahil meron silang mga paborito. Sila ang nagpasikat sa mga artista natin kaya binibigyan natin ng importansiya.”

READ: ‘Kalye-serye’ actors receive their stars on the Philippine Walk of Fame 

Hindi rin nakalimutan ni Master Showman na iukit ang mga pangalan ng mga beteranong aktor at aktres sa industriya kagaya nina Because of You leading man Gabby Concepcion, MariMar star Alice Dixson, The Half Sisters star Eula Valdez, Mars host Camille Prats at Little Nanay actress Sunshine Dizon.

“Maraming salamat sa pagdalo ninyo to witness this event. Kuya Germs worked so hard to put it together for all of us,” pagtatapos ni Alice.