'Sparkle Goes to Canada' concert, successful sa pagdala ng saya sa Global Pinoys
Successful ang pagpapasaya ng Sparkle love teams na JulieVer nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, RuCa nina Ruru Madrid at Bianca Umali, at BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco sa Global Pinoys sa naganap na Sparkle Goes to Canada Tour.
Kasama ang comedian na si Boobay, nagpunta ang tatlong pares ng kapuso love teams sa Calgary noong April 5 at sa Toronto noong April 7 para sa lively performances na handog nila sa Global Pinoys sa Canada.
Tingnan sa gallery na ito kung papaano napasaya nina Julie, Rayver, Bianca, Ruru, Barbie, David, at Boobay ang Global Pinoys sa Canada sa gallery na ito:
Sparkle Goes to Canada
Nagsimula ang unang show ng Sparkle Goes to Canada sa Calgary noong April 5. Doon, napanood nila sina Julie, Rayver, Bianca, Ruru, Barbie, David, at Boobay.
Julie Anne San Jose
Game na game si Julie Anne San Jose sa kaniyang performance para sa mga Global Pinoy na nagpunta at nanood.
JulieVer
Kilig na kilig naman ang mga manonood nang mag-perform na sina Julie at Rayver sa stage ng kanilang sweet number.
Bianca Umali
Full performance din ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Bianca Umali nang lumabas siya sa stage para sa kaniyang number.
Ruru Madrid
RuCa
Pero tila nawala ang pagiging astig ni Ruru nang makatambal na niya si Bianca sa stage. Sa halip ay sweet ang dalawa para sa mga Global Pinoy na nanonood.
Barbie Forteza
Kuwela at puno rin ng sweetness ang naging performance ng Pulang Araw star na si Barbie Forteza.
All-boys
Samantala, astig at cool naman ang mga boys sa kanilang performance na inabangan rin nilang tatlo.
Final duets
Bago matapos ang gabi, nag-final duet pa ang tatlong pares nina Julie at Rayver, Bianca at Ruru, at Barbie at David para sa Global Pinoys.
Boobay
Isang maramdaming awitin rin ang inihandog ni Boobay para sa mga Kapuso sa Calgary bago matapos ang concert.
Mr. M
Toronto Touchdown
Mula Calgary, diretso naman ang Sparkle Goes to Canada sa Toronto para sa second leg ng kanilang concert. Kasama rin nila si GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez na full support sa kanilang tour.
Pre-show ritual
Bilang paghahanda sa kanilang Toronto show, kinausap ng Sparkle Vice President na si Ms. Joy Marcelo at ng director ar Sparkle consultant na si Mr. M ang lahat ng artists at team. Sila rin ang nanguna sa prayer para sa success ng huling leg ng tour.
Sparkle Loveteams
Simula pa lang ng kanilang performance, todo kilig na ang hatid nina Julie, Rayver, Bianca, Ruru, Barbie, at David sa mga Kapuso sa Toronto.
Endless smiles
Hindi rin naman nagpahuli si Boobay na naghatid ng endless smiles sa Global Pinoys na dumalo.
Dreamy Duo
Sweet na sweet naman ang dalawa nang magsama na sila sa stage at ipinakita ang kanilang electrifying chemistry sa mga manonood.
Making music together
Isa-isa namang pumunta sa stage sina Julie at Rayver at ipinamalas ang kanilang galing sa pagkanta.
Musical Duo
Magkasama ring kumanta sina Julie Anne at Rayver sa stage kung saan makikita ang kanilang nakakakilig na chemistry at talent sa Global Pinoys.
Unbeatable charm
Kahit magkahiwalay ay unbeatable pa rin ang charm na dala nina Barbie at David tuwing umaakyat sila sa stage.
Shining bright
Kitang-kita rin ng Global Pinoys ang pagkinang ng BarDa habang nasa stage at iniwan ang mga manonood na namamangha sa kanilang performance.
Girl and boy power
Undeniable din ang power ng dalawang grupo nang magperform sila sa stage. Magkakasama sina Julie, Bianca, at Barbie, habang sina Rayver, Ruru, at David naman ang nag-perform