What's Hot

Barbie Forteza, wala nang hihilingin pa sa Pasko dahil sa 'The Half Sisters'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News



"Oo, feeling ko ito [The Half Sisters] na 'yon [gift na gusto ko]," pahayag ni Barbie.


By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by WILWINA BASSIG

Dahil sa success ng long-running Afternoon Prime soap na 'The Half Sisters,' kuntento na raw ang isa sa mga bida ng show na si Barbie Forteza at wala na siyang hihilingin pang regalo ngayong darating na Pasko.

"Oo, feeling ko ito [The Half Sisters] na 'yon [gift na gusto ko]," pahayag ni Barbie.

Ito na ang ikalawang Pasko ng GMA teleserye simula nang magsimula ito noong 2013. Kaya naman labis na lamang ang tuwa ng aktres sa tinatamasa nitong tagumpay.

READ: Barbie Forteza on Andre Paras's acting skills: 'Napakahusay!'

"Nakakatuwa kasi sila [The Half Sisters team] 'yung kasama ko. Kasi parang kahit naman hindi Pasko, gusto namin [ay] magkakasama kami talaga. Clingy kami kasi nabuo na rin kami as a family," ani Barbie.

Dagdag pa niya, "Parang hindi na kami nagtatrabaho. Sa sobrang tagal namin, sobrang close na tuloy namin."