What's Hot

Megan Young, nasaktan nang sampalin ang kapatid na si Lauren sa 'Marimar'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Nauwi sa sakitan ang magkapatid dahil sa eksena at isinugod si Lauren sa ospital dahil sa lakas ng sampal ni Megan sa kanyang magkabilang pisngi.


By BEA RODRIGUEZ

Intense ang sampalan nina Bella at Antonia sa episode ng Marimar kagabi (November 24) pero alam n'yo bang nasaktan nang husto ang Kapuso star na si Lauren Young?

MUST WATCH: Megan Young, napalakas ang sampal sa kapatid na si Lauren 

Nauwi sa sakitan ang magkapatid dahil sa eksena at isinugod si Lauren sa ospital dahil sa lakas ng sampal ni Megan sa kanyang magkabilang pisngi.

Sa raw video na ipinakita, kitang-kita na nasaktan ang tenga ni Lauren, “My ears are aching” at agad namang humingi ng tawad ang kanyang Ate, “I’m so sorry, Lauren. I’m so sorry.”

READ: Megan Young at Lauren Young, totohanan na ang sakitan sa ‘Marimar’ 

Ipinaliwanag ng Marimar leading lady sa report ng 24 Oras kagabi, “When that happened, siyempre as an Ate, you know, I’m very overprotective of Lauren, and I [want to] make sure she’s okay. For that to happen na ako pa talaga ‘yung makakasakit sa kanya, it also hurt me, but I made sure she got what she needed.”

Abangan pa ang mga matitinding eksena sa darating na mga episodes ng serye sa GMA Telebabad.

READ: Lauren Young, mas napadali ang pagiging kontrabida dahil kay Megan