Vice Ganda beyond grateful as 'It's Showtime' signs contract with GMA
March 20, 2024 is truly a historic moment for Philippine television as GMA Network and ABS-CBN joined hands to air the noontime variety show It's Showtime on GMA.
Executives from both broadcast giants, as well as the hosts of It's Showtime, were present at the momentous contract signing ceremony held on Wednesday.
The Unkabogable star Vice Ganda wrapped up the event with a heartfelt message of gratitude to GMA and its executives.
Vice thanked GMA for their warm and sincere welcome. He also expressed how much the network has helped and supported them.
“'Di naman lingid sa kaalaman nating lahat kung gaano kasadsad ang isinadsad ng Kapamilya pero naririyan kayo, hindi para tapakan kami at saktan pa sa mga panahong sadsad na sadsad kami. Inialay niyo ang mga kamay niyo sa amin para unti-unti kaming makabangon,” he said.
Vice also described the collaboration as having “a very strong, massive, [and] transformative purpose.”
“At dahil sa pagsasama niyong dalawa, mas magiging madali iyon na makapagbigay tayo ng karagdagang tawa sa kanila, karagdagang saya, karagdagang impormasyon, karagdagang inspirasyon at pag-asa,” he added.
Vice concluded his heartwarming speech with, “Kaya maraming-marami salamat po sa pagpili sa amin… Halika na, magsanib pwersa na tayo para mapanalunan at mapagtagumpayan ang mas malalaking hamon.”
It's Showtime will air on GMA starting April 6, every Monday to Saturday, from 12 noon to 2:30 PM.
LOOK BACK ON THE KAPUSO STARS WHO VISITED 'IT'S SHOWTIME' IN THIS GALLERY:
Dingdong Dantes and Marian Rivera
Una sa listahan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na first-time bumisita sa It's Showtime noong December 2023. Nakisaya ang celebrity couple kasama ang noontime show hosts nang i-promote ang kanilang Metro Manila Film Festival movie entry at highest-grossing Filipino film na Rewind.
Alden Richards
Nakisaya si Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa It's Showtime noong December 2023 kasama ang Megastar at Family of Two co-star niyang si Sharon Cuneta. Ito ang first time na isinigaw ni Alden ang It's Showtime chant na “What's up, Madlang People!”
Barbie Forteza
Unang napanood si Barbie Forteza sa debut ng It's Showtime sa GTV noong July 1, 2023. Dito ay naging bahagi si Barbie ng opening number ng programa kasama ang Kapuso at Kapamilya stars. Bukod dito, kinagiliwan din ang Kapuso Primetime Princess nang maging hurado siya sa naganap na 'Magpasikat 2023.'
Sanya Lopez
Gaya ni Barbie Forteza, naging bahagi rin ang Kapuso star na si Sanya Lopez sa opening number ng It's Showtime noong July 1, 2023. Muling napanood ang Pulang Araw star sa noontime show nang bumisita ito noong July 27, 2023.
David Licauco
Noong November 2023, pinakilig ng Pambansang Ginoo na si David Licauco ang maraming Madlang Kapuso nang sorpresahin niya ang kanyang ka-love-team at noo'y hurado sa 'Magpasikat 2023' na si Barbie Forteza.
Bianca Umali
Pinainit naman ni Sang'gre actress Bianca Umali ang It's Showtime stage sa kanyang “Dangerous Woman” performance noong August 2023.
Ayon kay Bianca, kabado siya sa kanyang first guesting sa noontime show pero napawi ito nang makatungtong na siya sa stage dahil aniya, “It's new doors and new opportunities opening to everyone.”
Ruru Madrid
Naki-”What's up, madlang pipol” din si Kapuso Action Hero Ruru Madrid kasama ang kanyang Black Rider leading lady na si Yassi Pressman sa It's Showtime noong September 2023.
Bukod sa dance number ni Yassi, nag-promote din ang dalawa noon ng kanilang first-movie together na Video City.
Julie Anne San Jose
Nag-trending din noon sa social media ang naging guesting ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa It's Showtime, kung saan makailang beses siyang naging guest hurado ng “Tawag ng Tanghalan.”
Nagpasampol din ng duet si Julie at Pop Ballad Royalty na si Erik Santos noong February 2024 - ito ay paghahanda nila para sa kanilang first-concert together na pinamagatang “Love Bound.”
Ken Chan
“Ken Chiu,” “Kim Chan,” “Ken Chan Chiu,” 'yan ang mga naisip na tawag ni Vice Ganda sa magiging supporters ng Kapuso actor na si Ken Chan at Kapamilya actress na si Kim Chiu sakaling magtambal umano sila. Sinabi kasi ni Ken na gusto niyang makatrabaho si Kim nang bumisita siya sa It's Showtime noong July 2023.
Michael V. and Manilyn Reynes
Sinorpresa nina Kapuso comedy genius Michael V. at award-winning actress Manilyn Reynes ang kaniang kaibigan na si Ogie Alcasid sa birthday celebration nito sa It's Showtime noong August 19, 2023. Ito ang unang beses na napanood si Bitoy sa nasabing noontime show.
Mark Bautista
Nagsilbing guest hurado si Kapuso Singer Mark Bautista ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime nang mag-debut ito sa GTV noong July 2023. “Thank you, GMA, for allowing us to be part of the GTV-Showtime launch. Sobrang surreal moment..So great to see friends and colleagues today sa ABS building! Thank you Showtime for having us,” caption ni Mark sa kanyang Instagram post noon tungkol sa kanyang naging guesting.
Bukod dito, isa rin sa hurado si Mark sa naganap na grand finals ng 'Tawag ng Tanghalan' Year 7.
Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez
Nagpakilig naman ang tambalan nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda sa It's Showtime nang mag-promote sila ng kanilang first-movie together na After All.
Jasmine Curtis-Smith
May special appearance din ang Asawa Ng Asawa Ko actress na si Jasmine Curtis-Smith sa It's Showtime nang suportahan niya ang kanyang ate na si Anne Curtis sa 'Magpasikat' performance nito noong November 2023. Sinorpresa rin ni Jasmine ang kanyang Ate Anne sa “most important” birthday celebration nito noong February 2024.
Andrea Torres
Nagbaon ng matinding energy si Kapuso sexy actress Andrea Torres sa kanyang naging guesting noong August 2023 sa It's Showtime. Bukod sa kanyang hot and sexy dance number, hindi rin nagpahuli si Andrea na sayawin ang “Mini Miss U” dance.
Ysabel Ortega
Tila kinilig naman ang It's Showtime host na si Ryan Bang sa naging pagbisita ng Kapuso beauty na si Ysabel Ortega sa nasabing noontime show noong August 2023. Pero kuwento nina Ryan at Ysabel, matagal na silang magkakilala dahil classmates sila noong sila ay high school students pa.
Miguel Tanfelix
Ang dream ng Kapuso actor at newest runner ng Running Man Philippines na si Miguel Tanfelix na makapag-perform kasama si Vhong Navarro, natupad nang mag-guest siya sa It's Showtime noong August 2023. Ayon kay Miguel, masaya siya na nakabisita sa nasabing noontime show dahil gusto niya talaga na maka-dance prod si Vhong.
Herlene Budol
Nagpaulan din ng good vibes ang Kapuso actress-comedian at beauty queen na si Herlene Budol sa It's Showtime nang bumisita siya rito noong August 2023. Dito ibinida ni Herlene ang ilan sa mga pasyalan sa kanyang hometown na Angono Rizal - ang Art Capital of the Philippines.
Kyline Alcantara
Game na game na ipinakita ni Shining Inheritance actress Kyline Alcantara sa It's Showtime stage ang kanyang swag dance moves kasama ang girl group na Baby Dolls nang bumisita at mag-perform siya rito noong September 2023.
Aiai Delas Alas
After 9 years, muling tumapak sa It's Showtime stage si Kapuso Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas noong March 2024.
Pokwang
Nagbigay kulay at saya rin ang multi-talented Kapuso actress-comedian at host na si Pokwang sa debut ng It's Showtime sa GTV noong July 2023. Dito ay muling nakasama ni Pokwang ang ilan sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz.