TV

Dennis Trillo joins the cast of 'Pulang Araw'

Muling ipapamalas ng award-winning actor at Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang kanyang husay sa pag-arte bilang pinakamabagsik na kontrabida sa historical-drama na Pulang Araw.

Ito ang first-major villain role ni Dennis matapos siyang bumida bilang si Crisostomo Ibarra sa Maria Clara at Ibarra, at bilang si Ned Armstrong sa Voltes V: Legacy.

Sa interview ni Cata Tibayan kay Dennis para sa 24 Oras, sinabi ng aktor na excited siyang bigyang buhay ang ganitong klaseng karakter sa isang malaking proyekto.

Aniya, “Matagal ko na rin tong hinihintay itong ganitong klaseng project, ganitong kabigat na character ngayon naman as a kontrabida.

“May konting pressure pero mas doon ako sa importansya sa pagkakaroon ko ng challenge bilang artista. Sa rami [na] ng nagawa ko, kailangan ko ng isang mabigat na role na mag-iisip ako at pag-iisipan ko bawat kilos, bawat galaw, bawat dialogue, excited ako sa ganun.”

Bilang isang malupit na sundalong hapon, makakasama ni Dennis sa serye ang apat sa pinakamalalaking bituin ng GMA na sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, “First Lady” ng Primetime na si Sanya Lopez, Pambansang Ginoo na si David Licauco, at Asia's Multimedia Star Alden Richards.

“Excited ako na magkaroon kami ng eksena ni Alden kasi siya 'yung hindi ko pa talaga nakaka-eksena sa mga ganitong drama," pahayag ni Dennis.

Dagdag pa niya, “Excited din ako ma-reunite kina Barbie at David. Kay Sanya na nakatrabaho ko na rin dati.”

Nakasama ni Dennis sina Barbie at David sa award-winning GMA series na Maria Clara at Ibarra, habang nakatambal naman niya si Sanya sa 2018 Kapuso series na Cain at Abel.

Ang Pulang Araw ay nasa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata at sa panulat ni Suzette Doctolero.

IN PHOTOS: The most notable television roles of Dennis Trillo

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.