Article Inside Page
Showbiz News
Isang mensahe ng pagkakaisa ang nais ipaabot ni Kuya Wil ngayong Pasko.
By CHERRY SUN, Interview by BEA RODRIGUEZ
Masasabing ganap na Kapuso na nga ang
Wowowin host na si Willie Revillame.
Makaraan ang paglipat ni Kuya Wil sa GMA Network ngayong taon at pag-distribute ng kanyang mga kanta under GMA Records ay napabilang ito sa GMA Christmas Station ID na may temang ‘MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko.’
“Siyempre, sino ba naman ang hindi magiging happy,” ito ang naging pahayag ni Kuya Wil.
“First time eh, first time na makasama mo lahat sila. Makakasama ka ng station ID for Christmas, nadiyan lahat ng mga Kapuso na pamilya mo. You’re part of this. Ang sarap ng feeling,” patuloy niya.
Unang pagkakataon daw ito para sa Wowowin host na makasama rin ang ilang mga artista at staff ng GMA Network sa kadahilanang mayroon siyang ibang staff para sa kanyang Sunday variety-game show.
Obserbasyon niya, “Ang mga tao dito sa GMA parang simple. Very simple, very professional.”
Kanino naman kaya dine-dedicate ni Kuya Wil ang Kapuso Christmas theme song na ‘MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko?’
Mabilis na sagot niya, “Sa lahat ng tao. Sa ABS, sa TV5, sa lahat ng channel at sa buong Pilipinong sambayanan.”