Filtered By: Showbiz News | News
Kris Bernal, muntik nang mabawi ang 'Little Nanay' role?
Published On: November 16, 2015, 05:03 PM
Updated On: March 1, 2020, 10:40 PM
"Nakailang screen tests ako na to the point na umabot sa feeling ko na babawiin sa 'kin 'yung show."
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Sa naganap na press conference ng pinakabagong GMA Telebabad show na 'Little Nanay' noong nakaraang linggo, ikinuwento ni Kris Bernal ang hirap na pinagdaanan niya para sa show.
Katumbas raw ng hirap sa pagganap sa isang taong mayroong intellectuall disability ang challenges na nalampasan ni Kris noon. Kuwento niya, "Nakailang screen tests po ako. Sinubukan ko talaga kung kaya ko ba talaga gawin 'yung role ni Little Nanay."
Dagdag pa niya, "Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, kung ano ba 'yung tamang character, tamang acting, ano ba 'yung behavior talaga na hinihingi ng show. So 'yon, nakailang screen tests ako na to the point na umabot sa feeling ko na babawiin sa 'kin 'yung show."
Kung ano-ano rin daw ang pumapasok sa isip ni Kris noon hangga't hindi pa nagsisimula ang taping. "Sobra talaga 'yung kaba ko. Parang feel ko every time magkakaroon sila ng meeting, parang sabi ko, sa 'kin pa ba 'yung show," anang aktres.
Pero dahil daw sa suporta na ibinigay ng mga taong nakapaligid sa kanya, nabigyan ni Kris ng hustisya ang character ni Tinay.
"Thank you sa support ng writers kasi tinulungan nila ako. Kapag tinatanong ko sila tungkol sa character, talagang fini-feed nila sa 'kin. And of course, 'yung talagang support ni Direk Ricky [Davao], lahat po ng cast, 'yung suporta po nila sa 'kin sa bawat eksena, salamat po," bahagi ni Kris.
Trending Articles