Filtered By: Showbiz News | News
Camille Prats, pabebe o papilit?
Published On: November 10, 2015, 06:38 PM
Updated On: February 28, 2020, 07:35 PM
Ano sa tingin n'yo mga Kapuso?
By BEA RODRIGUEZ
“Papilit is the new pabebe,” ayon sa hot topic ng Mars Sharing Group. Inamin ni Mars Camille Prats na siya ay isang papilit sa kanyang mga kapatid, “Ako na-realize ko na papilit pala ako.”
Ang dahilan bakit ganun umano siya sa mga kapatid niya, lalong-lalo na kay Mimi (Naomi Prats) ay para matutunan nilang gawin ang mga bagay-bagay.
Kuwento niya, “Si Mimi si pabor ‘yan eh, kulang na lang lahat sa buhay niya, ako gumawa. So ako naman siyempre ayoko. I want you to do it on your own. I know na siyempre sa loob-loob ko, hindi naman hihingi ng tulong kung kaya niya.”
Papanindigan raw ito ng aktres hanggang umalis ang kanyang kapatid at saka siya kusang lalapit. Dagdag niya, “Ang hirap kasi parang ang dami mo nang ginagawa, siyempre may work ka na [tapos andiyan pa] si Nathan.”
Natatawa raw siya sa style ng kanyang mga kapatid. Pagpatuloy ni Camille, “Si Mimi ipipilit niya ang sarili niya. Kunwari, nasa CR ka na, ‘Uy ate gawin mo na ‘to.’ [Sasabihin ko,] ‘Pwede maligo? Ito na oh!’ Sabihin niyang ‘Sandali lang ‘to.’ Habang nakatapis ka, ginagawa namin ‘yung assignment niya.”
Ang lalaki niyang kapatid naman ay matiyaga maghintay sa kanyang ate upang magpatulong sa mga kung ano-anong gawain. Pagtatapos niya, “Oh my gosh, ano ba ‘to? ‘Yun minsan lang, dun ako papilit sa kanila.”
Trending Articles