Hindi raw namalayan ng aktres na kinunan siya ng kanyang co-actor at pinasalamatan niya pa ito dahil sa ganda ng larawan. Gayunpaman, may kakaibang napansin ang Sunday PinaSaya host.
Aniya, “Ang ganda ng production design habang ‘yung [face] ko parang nalugi sa negosyo (laughs). [Thanks] Bossing sa picture na ‘to kahit [mukha] akong nalugi sa negosyo. Antok [at] pagod na kasi ako kahapon.”
Magsasama sina Bossing at Aiai sa Metro Manila Film Festival entry na 'My Bebe Love' with AlDub na ipapalabas ngayong December 25.