Cast ng 'Forever Young,' nagkita-kita na sa kanilang story conference at script reading
Kasado na ang pinakabagong afternoon series ng GMA na Forever Young, na pagbibidahan ng 2023 MMFF's Best Child Actor na si Euwenn Mikaell.
Isang bagong kuwento na paniguradong bibihag sa puso ng manonood, kung saan tampok ang pambihirang kuwento ng 25-year-old na si Rambo (Euwenn) na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism.
Noong Lunes (February 5), nagkita-kita na ang cast ng Forever Young sa naganap nitong story conference at script reading. Makakasama ni Mikaell sa inspirational drama sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.
Forever Young
Ang Forever Young ang pinakabagong inspirational drama ng GMA na pagbibidahan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.
Euwenn Mikaell as Rambo
Tampok sa Forever Young ang pambihirang kuwento ni Rambo, 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Euwenn Mikaell
Ang Forever Young ang kauna-unahang TV lead role ni Euwenn Mikaell. Ayon sa batang aktor, excited na siya para sa unang serye sa GMA. Aniya, "Excited na excited ako kasi binigyan ako ng ganito kalaking project ng GMA kaya nagpapasalamat ako sa kanila."
Cast
Makakasama ni Euwenn Mikael sa Forever Young sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.
Nadine Samonte
Happy at excited si Nadine Samonte sa bagong serye sa GMA. Ibinahagi rin ng aktres ang excitement na muling makatrabaho si Alfred Vargas at ang pressure na nararamdaman na makaeksena ang batikang mga aktor na sina Michael de Mesa at Eula Valdes.
Forever Young story
Ayon kay Nadine Samonte, naiiba ang istorya ng Forver Young. "Kakaiba s'ya and I think first time na maglalabas ng ganitong klaseng story, kaabang-abang talaga."
Alfred Vargas
Masaya si Alfred Vargas na mapabilang sa cast ng pinakabagong inspirational drama ng GMA na Forever Young. Aniya, "I'm very happy na mapasama rito kasi lahat ng aspeto na pampamilya nandito. Nafi-feel ko na eksakto rin sa panahon ko ngayon ng pagiging tatay ko."
Excitement
Excited din si Alfred Vargas na muling makatrabaho sa Forever Young ang mahusay na aktres na si Nadine Samonte. Pinuri rin ng aktor ang husay ni Euwenn Mikaell na aniya ay masasaksihan ng manonood sa upcoming series. Isang karangalan din para sa aktor na makatrabaho ang dalawang batikang aktor na sina Michael de Mesa at Eula Valdes.
Alfred Vargas and Nadine Samonte
Sa serye, mapapanood sina Alfred Vargas at Nadine Samonte bilang mag-asawa at mga magulang ni Rambo (Euwenn Mikaell).
Rafael Rosell
Kabilang din ang versatile drama actor na si Rafael Rosell sa cast ng Forever Young.
Rafael Rosell sa script reading ng 'Forever Young'
Ano kaya ang magiging kaugnayan ng karakter ni Rafael Rosell sa ating little man na si Rambo (Euwenn Mikaell)?
Michael de Mesa
Kabilang sa star-studded na cast ng Forever Young ang batikang aktor na si Michael de Mesa.
Michael de Mesa sa script reading ng 'Forever Young'
Talaga namang kaabang-abang ang maiinit na tapatan nina Michael de Mesa at Eula Valdes sa bagong afternoon series na Forever Young.
Eula Valdez
Panibagong kontrabida role ang masasaksihan kay Eula Valdes sa upcoming GMA series na Forever Young.
Eula Valdez sa script reading ng 'Forever Young'
Sa naganap na script reading ng Forever Young, in character kaagad ang mga batuhan ng linya ng batikang aktres na si Eula Valdes.
Althea Ablan
Ayon kay Althea Ablan, "challeging" ang kuwento ng Forever Young dahil bukod sa pamilya ay tatalakay rin ito sa politika.
Pressure
Ibinahagi rin ni Althea Ablan ang pressure na nararamdaman lalo na sa mga mahuhusay at batikang aktor na makakasama sa serye.
Princess Aliyah
Interesting naman para kay Princess Aliyah ang kuwento ng Forever Young. Aniya, "Since first time din po talaga na ita-tackle 'yung sa sakit (panhypopituitarism) na ganito and hindi po madalas na nakakasama ang politics sa dramas.
Princess Aliyah and Althea Ablan
Gaganap sina Princess Aliyah at Althea Ablan na mga kapatid ni Rambo (Euwenn Mikaell).
Bryce Eusebio
Exciting para kay Bryce Eusebio ang kuwento ng Forever Young dahil ito ang unang beses na magkakaroon ng drama na tatalakay sa rare medical condition na panhypopituitarism.