Filtered By: Showbiz News | News
Solenn Heussaff trained in aerial dancing for her role in 'Marimar'
Published On: November 3, 2015, 03:09 PM
Updated On: February 29, 2020, 02:01 PM
"Kung hindi ka sanay, sobrang masakit talaga, parang nakakahilo."
By MICHELLE CALIGAN
Isa sa mga bagong karakter na papasok sa 'Marimar' ay si Capuccina Blanchett, isang French-Spanish dancer, na gagampanan ni Solenn Heussaff.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa '24 Oras,' dumaan sa aerial dance training ang 'Taste Buddies' host para mas maging makatotohanan ang kanyang role.
"Medyo strange siya, actually. Very well educated woman, French-Spanish. She's a dancer, and she's the one who will help Marimar become someone else," kuwento ni Solenn.
Dagdag pa niya, "Parang early morning 'yan, tapos I did it for two hours. Kung hindi ka sanay, sobrang masakit talaga, parang nakakahilo."
Trending Articles
EXCLUSIVE VIDEOS