Kapuso Stars, naki-fiesta sa Dinagyang Festival
Naki-fiesta ang ilang Kapuso stars sa nagdaang Dinagyang Festival sa Iloilo City. Dumayo roon ang Love. Die. Repeat. stars na sina Jennylyn Mercado at Mike Tan; ang Stolen Life actress na si Carla Abellana; at Sparkle hunk na si Bruce Roeland para mas pasayahin ang Kapuso Fiesta.
Ang Dinagyang Festival ay isinasagawa para ipagdiwang ang fiesta ni Sto. Nino. Itinuturing ang Dinagyang Festival bilang isa sa mga pinakamalaking festival sa Pilipinas, dinadayo ng mga turista.
Tingnan kung papaano napasaya nina Jennylyn, Mike, Carla, at Bruce ang mga Kapusong Ilonggo sa gallery na ito:
Jennylyn Mercado
Ginawang extra special ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang nagdaang Dinagyang Festival sa kaniyang performance.
Full of love
Full of love hindi lang si Jennylyn sa mga Kapusong Ilonggo na dumalo sa Kapuso Fiesta, kundi pati na rin ang kaniyang mga fans para sa Ultimate Star.
Carla Abellana
Hindi rin nagpahuli ang Stolen Life star na si Carla Abellana at ipinamalas pa ang kaniyang versatility sa stage sa isang acting game.
Mike Tan
Nagbigay din ng saya ang Love. Die. Repeat. actor na si Mike Tan sa mga Kapusong Ilonggo nang haranahin niya sila.
Bruce Roeland
Naghandog din ng kaniyang performance ang Sparkle artist na si Bruce Roeland para sa mga Kapusong Ilonggo.
Kinakiligan
Kinakiligan din si Bruce ng fansfans, lalo na nang imbitahan niya ang isa sa mga ito sa stage para haranahin.