First time magsasama sa isang show si Kapuso actress Kris Bernal at child wonder Chlaui Malayao.
By AL KENDRICK NOGUERA
First time magsasama sa isang show si Kapuso actress Kris Bernal at child wonder Chlaui Malayao. Bibigyang buhay nila ang mag-inang Tinay at Chichie sa upcoming GMA Telebabad show na Little Nanay.
Ayon kay Kris, kahit challenging ang role ni Chlaui sa Little Nanay ay hinding-hindi siya magtatakang sisiw lang ito sa batang aktres. Nakikita niya rin daw kasing pursigido si Chlaui para matuto nang husto sa pag-arte.
"Open siya sa bagong experiences sa bagong learnings. Napakibibong bata," pagtatapos ni Kris.