'Asawa ng Asawa Ko' actors, naki-fiesta sa Sinulog Festival
Bago pa ipinalabas ang bagong GMA Prime series na Asawa ng Asawa Ko noong Lunes, January 15, naki-fiesta muna ang cast nitong sina Rayver Cruz, Liezel Lopez, Martin del Rosario, at si Kapuso singer Jennifer Maravilla sa ginanap na Sinulog Festival sa Cebu.
Ang Sinulog Festival ay paraan ng mga Kabankalanon para bigyan parangal ang Sto. Nino.
Tingnan kung paano ginawang mas masaya nina Rayver, Liezel, Martin at Jennifer ang Sinulog Festival sa gallery na ito:
Jennifer Maravilla
Isang matinding biritan ang hinandog ng Kapuso singer na si Jennifer Maravilla para sa mga Kabankalanon.
Opening night
Isang perfect na performance ang ibinigay ni Jennifer sa mga dumalo sa opening night ng Sinulog Festival.
Martin del Rosario
Performance level din si Martin del Rosario sa naganap na Sinulog Festival.
Pakilig moves
May dala ring pakilig moves si Martin at isa sa mga manonood ang nakatanggap ng full attention niya nang maimbitahan ito sa stage.
Liezel Lopez
Isang all-out na performance din ang hatid ni Liezel Lopez sa mga Kabankalanon na dumalo sa Sinulog Festival.
Charming
Nabighani rin ni Liezel ang ilan sa mga audience at naimbitahan pa niya sa stage ang ilan sa kanila para samahan siya sa kaniyang performance.
Rayver Cruz
Isang energetic na performance ang handog ni Rayver Cruz sa mga dumalo sa Sinulog Festival.