Basahin ang comment niya tungkol sa opening number ni Wally.
By AEDRIANNE ACAR
Pinuri ng CelebrityTV host na si Aiai delas Alas ang co-star niya sa ‘Sunday PinaSaya’ na si Wally Bayola sa bonggang opening number nito sa ‘Tamang Panahon’ event ng Eat Bulaga sa Philippine Arena.
Sa post niya sa Instagram, sinabi ng Comedy Queen na nakakakilabot ang galing ng Eat Bulaga! star matapos ito humataw sa saliw ng kanta na "Dessert" ni Dawin.
“Kinikilabutan ako sa opening naluha ako kay wally...Ewan ko ba bakit napakasaya ko para sa kanya...Naiiyak ako...Hayup naman ang opening ng [Eat Bulaga]!!!! Wowwww!!!”