Article Inside Page
Showbiz News
Alam n'yo ba na first showbiz crush ni Ruru si Barbie?
By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by WILWINA BASSIG
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
"Siyempre, sobrang saya ko dahil napasama ako sa isang teleserye na inaabangan ng lahat ng tao," pahayag ni Ruru Madrid nang mapabilang sa nangungunang Afternoon Prime soap na
The Half Sisters.
Ayon kay Ruru, agad niyang tinanggap ang alok na mapasama sa show nang walang pag-aalinlangan. "Hindi na ako nagdalawang-isip na oohan nung in-offer-an ako ng project na 'to dahil alam nating lahat na ang The Half Sisters ay one year and a half na," saad niya.
Bukod pa rito, wala raw naging problema kay Ruru nang malamang si Barbie Forteza ang magiging kapareha niya.
"Okay naman po dahil before pa naman, nagkatrabaho na kami ni Barbie. First teleserye ko, 'yung Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa, siya agad 'yung naka-pair ko. May ibang projects na rin [kami] like Maynila. Naka-apat na Maynila kami na kami 'yung magkasama," ani Ruru.
Ano ang naging reaksiyon ng GabRu fans nang magkaroon ng bagong ka-love team si Ruru? "Wala namang violent reactions. Siguro nagulat lang [sila]. Bakit si Ruru pine-pair sa iba? Pero naiintindihan naman nila," sagot ng teen actor.