Masaya si Hillarie na nakamit niya ang korona, ngunit ang isip at panalangin niya ay nasa mga kababayang naapektuhan ng masamang panahon. By CHERRY SUN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Sa gitna ng paghahagupit ng bagyong Lando ay kinoronahan bilang Miss World Philippines 2015 ang pambato ng Nueva Vizcaya na si Hillarie Danielle Parungao.
Masaya si Hillarie na nakamit niya ang korona, ngunit ang isip at panalangin niya ay nasa mga kababayang naapektuhan ng masamang panahon.
“I feel like all my hard work has paid off tonight. And I’m just so happy to see my family down there cheering for me. It’s just very emotional for me. I prayed so hard to God for this one,” pahayag niya sa 24 Oras.
Alay rin daw niya ang kanyang bagong tagumpay sa mga kababayan sa Nueva Vizcaya at mga karatig nitong probinsya. Aniya, “I’m really praying for all of them. They are neighboring communities so I really pray for them to have a very safe weather in the next coming days.”