What's Hot

'Wish I May' album of Pambansang Bae close to getting its Platinum Award

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 3, 2020 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Maugong ang balita sa social media na malapit ng makuha ni Alden Richards ang Platinum Award para sa sophomore album niya sa GMA Records.

By AEDRIANNE ACAR
 
Maugong ang balita sa social media na malapit ng makuha ni Alden Richards ang Platinum Award para sa sophomore album niya sa GMA Records.
 
Sa katunayan, trending nitong Lunes ng gabi ang #WishIMayGoForPlatinum at umabot ito sa second spot ng Philippine Trend sa Twitter.
 
Base sa website ng Philippine Association of the Record Industry, Inc. (PARI), maituturing na certified Platinum ang isang album kapag nakabenta na ito ng mahigit sa 15,000 units.
 
Sa panayam naman ng 'Saksi' kay Alden, muli nagpasalamat ang Pambansang Bae sa lahat ng supporters niya na naging susi para makamit niya agad ang Gold Record award para sa ‘Wish I May’ album.



Ayon kay Alden, "I’m very thankful to all the fans, to all the supporters, Aldenatics, AlDub Nation sila po ‘yung nagbibigay lakas talaga."
 
#WishIMayGoForPlatinum trends on Twitter Monday night!
 
Celebrity fans of AlDub
 
Hindi na nakapagtataka na bumenta ang album ni Alden, dahil kahit ang mga kanta niya sa YouTube ay certified hit din. Ang 'Wish I May' video niya ay may mahigit sa 2.6 million views at ang version niya ng 'God Gave Me You' ay may mahigit sa 320,000 views na din.