Bibigyang buhay ni Nora ang role ni Pinailog at si Barbie naman ang gaganap bilang kanyang apo na si Dowokan sa 'Tuos.'
By AL KENDRICK NOGUERA
Noong Agosto ay inanunsyo na ang finalists para sa full-length feature ng Cinemalaya Independent Film Festival and Competition na gaganapin sa 2016.
Sampung pelikula ang susuportahan at bibigyan ng Php 750,000 ng Cinemalaya at kabilang dito ang 'Tuos' na pagbibidahan ng Kapuso actors na sina Barbie Forteza at Nora Aunor.
Bibigyang buhay ni Nora ang role ni Pinailog, ang tribal princess ng Panay Bukidnon. Samantala, si Barbie naman ang gaganap bilang kanyang apo na si Dowokan.
Abangan ang pagganap nina Nora at Barbie sa 'Tuos' sa Cinemalaya festival sa susunod na taon.