What's Hot

Ken Chan at Fabio Ide, kinikilig na sa isa't isa

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



"Kailangan kong kiligin kay Fabio, at kailangan din niyang kiligin sa akin." - Ken 
By MICHELLE CALIGAN
 
 

Magandang gabi sa inyong lahat! From: Gabriele and Joey ???? @fabioideofficial

A photo posted by Ken Chan (@akosikenchan) on


"Kailangan kong kiligin kay Fabio, at kailangan din niyang kiligin sa akin."
 
Ito ang naging sagot ni Ken Chan nang tanungin ni Powerhouse host Kara David kung kinikilig ba siya sa mga eksena nila ng kanyang Destiny Rose co-star na si Fabio Ide gayong pareho silang tunay na lalaki.
 
READ: Weekly allowance ni Ken Chan, dalawang libo lang? 
 
"Noong una po nakakailang talaga. Tawa kami ng tawa ni Fabio kapag mayroon kaming [eksena] na malapit na 'yung labi namin sa isa't isa, 'yung kukunan kami ng eye to eye, yakap. Kailangan eh (laughs)," paliwanag pa niya.
 
Hindi raw biro ang kailangan niyang pagdaanan para makaramdam ng kilig sa kanyang leading man, pero ginagawa raw niya ito para sa mga manonood.
 
READ: Ken Chan, excited sa intimate scenes nila ni Fabio Ide? 
 
"Pero hindi biro, dahil sa ini-internalize ko ang character ko, hindi ko rin maiwasang kiligin. Kasi kailangan naming [pakiligin ang mga tao]. Ang hirap pero nag-e-enjoy naman po kami."
 
Aniya, kasama ito sa malaking challenge sa pagtanggap niya ng role na Joey, na magiging Destiny Rose sa pagpapatuloy ng kuwento.
 
"Nag-audition po ako dito. Nakita ko 'yung concept and 'yung story. Sabi ko, 'Ang suwerte kung sino ang makukuha dito,' Napakaganda ng storya, kakaiba, and napaka-brave ng GMA-7 na gawin ang ganitong klaseng teleserye. I feel so blessed and thankful na ako 'yung nakuha doon. Hindi ako nagdalawang isip na hindi gawin."
 
READ: Ken Chan gets emotional in 'Destiny Rose' presscon