Hindi maipaliwanag ni Marian Rivera ang kanyang nararamdaman sa special na baby shower ng kanilang panganay ni Dingdong Dantes By LORIE RAMIREZ
Hindi maipaliwanag ni Marian Rivera ang kanyang nararamdaman sa special na baby shower ng kanilang panganay ni Dingdong Dantes, si Baby Maria. Gaganapin ito sa Marriott Hotel Manila mamaya.
Hands-on ang Primetime King at Queen sa preparations ng baby shower kaya naman siguradong magiging memorable ito.
Ayon kay Marian, hindi na siya makapaghintay na i-share ang kanyang kaligayahan sa pagdating ni Baby Maria sa kanilang buhay ni Dingdong.
“I am excited for today's baby shower because finally, I will be able to share the joy of having a baby girl, with my family and friends.”