Marian Rivera, Dingdong Dantes kasama sa lead stars ng 10 MMFF movies
Kasama ang Kapuso Royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa listahan ng mga lead stars ng 10 pelikula na ipapalabas para sa nalalapit na 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Bukod sa kanila, may ilan pang mga Kapuso stars ang makakasama rin sa kanikanilang mga pelikula tulad nina Alden Richards, Beauty Gonzalez, at Matteo Guidicelli.
Ang MMFFF ay ang annual film festival na inorganisa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para ipagdiwang ang mga pelikulang Pilipino.
July 2023 nang unang inanunsyo ang unang apat na pelikula na kabilang sa festival at October 17 naman nang ianunsyo ang iba pang mga pelikula.
Ngunit imbis na walong pelkula lang ang ipapalabas ngayong taon gaya ng mga nakaraang taon, ay 10 na pelikula ang kabilang sa 2023 MMFF.
Ayon kay MMFF Chairman of the Selection Committee Jesse Ejercito, tatlo sa mga pelikula na isinumite sa Magic 8 ay nakakuha ng parehong ratings kaya't imbis na i-break ang tie ay naisip nilang ipalabas na lang ang sampung pelikula.
Kilalanin ang lead stars ng 10 MMFF movie entries sa gallery na ito:
Alden Richards
Matapos ang kaniyang movie comeback, makakasama rin si Alden Richards sa mga lead stars ng MMFF movie na 'A Mother and Son Story.'
Sharon Cuneta
Mega Star Sharon Cuneta ay bibida rin sa'A Mother and Son Story' kasama si Alden para sa MMFF ngayong taon.
Beauty Gonzalez
Ipapakita naman ni Stolen Life actress Beauty Gonzalez ang galing niya sa pag-arte sa horror film na 'K(ampon).'
Derek Ramsey
Matapos ang matagal na hiatus sa mga serye at pelikula ay babalik si Derek Ramsey sa MMFF ngayong taon kasama si Beauty sa 'K(ampon).'
Matteo Guidicelli
Action-packed ang taon ni Matteo Guidicelli dahil bukod sa nakasama siya sa serye na Black Rider, gaganap din siya bilang si Pedro Penduko sa 'Penduko' sa MMFF.
Christine Reyes
Makakasama rin si Christine Reyes ni Matteo sa fantasy-action movie sa MMFF ngayong taon.
Dingdong Dantes and Marian Rivera
Muli namang magsasama ang Kapuso Royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pelikula nilang 'Rewind' sa MMFF ngayong taon.
Pokwang and Eugene Domingo
Comedy naman ang tema ng TiktoClock host na si Pokwang, at ni Eugene Domingo ngayong taon sa MMFF sa pelikula nilang 'Becky & Badette.'
Christian Bables
Isang comedy at drama film naman ang kabibilangan ni Christian Bables ngayong taon sa MMFF sa pelikula niyang 'Broken Heart's Trip'
Alessandra de Rossi and Euwenn Mikaell
Makakasama naman ni Alessandra de Rossi ang young Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell sa kanilang fantasy-drama film na 'Firefly.' Dito, makakasama rin nila si Dingdong Dantes.
Yayo Aguila and Cherry Pie Picache
Kasama rin sa pelikulang 'Firefly' ang mga beteranong aktres na sina Yayo Aguila at Cherry Pie Picache.
Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega
Parte din ng palikula ang Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Isabel Ortega.
Dante Rivero
Isang historical drama naman ang pelikula ng beteranong aktor na si Dante Rivero sa MMFF ngayong taon na 'GomBurZa.'
Piolo Pascual
Bukod sa special participation niya sa 'GomBurZa' ay gagampanan din ni Piolo Pascual ang isang lead role sa horror-thriller film na 'Mallari.'