Barbie Forteza and David Licauco's year of kilig moments
Isang taon nang nagbibigay ng kilig ang tambalang Barbie Forteza at David Licauco!
Ang BarDa ay nagsimula sa seryeng 'Maria Clara at Ibarra' kung saan gumanap si Barbie bilang Maria Clara "Klay" Infantes at si David naman bilang Fidel de los Reyes.
Simula noon ay sinuportahan na ng mga manonood ang dalawa at naging isa sa mga kinakikiliging tambalan sa bansa.
Balikan ang isang taong pagbibigay kilig ng BarDa rito:
Barbie Forteza at David Licauco
Nag-celebrate na ng isang taong pagpapakilig sa mga manonood ang tambalang Barbie Forteza at David Licauco!
'Maria Clara at Ibarra'
Nagsimula ang kanilang tambalan sa kanilang pagganap bilang Maria Clara "Klay" Infantes at Fidel de los Reyes sa 'Maria Clara at Ibarra.'
Breakout Loveteam of the Year
Binansagang Breakout Loveteam of the Year ang tambalang Barbie at David o BarDa.
Trending
Hindi matatawaran ang pagsuporta sa tambalang BarDa dahil sila ay laging trending sa social media.
'Maging Sino Ka Man'
Nagdiwang ang kanilang mga tagahanga nang mabalitaan nilang magbabalik tambalan ang BarDa sa telebisyon sa seryeng 'Maging Sino Ka Man.'
Social media
Storycon pa lamang ay ipinaramdam na ng fans nina Barbie at David ang kanilang pagsuporta sa bagong proyekto ng kanilang mga idolo sa GMA Network.
Endorsements
Sunod-sunod naman ang endorsements nina Barbie at David dahil sa success ng kanilang loveteam.