Elijah Alejo, Niño Muhlach at ilang Kapuso stars nakisaya sa isang charity event for the elderly
Magkakasama sa pagbibigay saya sa charity event ng Kapuso Brigade ang ilang Kapuso stars noong September 30.
Bumisita sa Little Sisters of the Abandoned Elderly sa San Juan City sina Niño Muhlach, Sparkle stars na sina Elijah Alejo, Keisha Serna, at Patricia Coma, at ang Barangay LS 97.1 DJ na si Papa Dudut.
Silipin ang kanilang weekend kasama ang mga lola dito:
Keisha Serna
Isa sa mga dumalo sa charity event ng Kapuso Brigade ang pretty and talented na Sparkle Teens star na si Keisha Serna.
Patricia Coma
Masaya ring dumalo nitong September 30 sa Little Sisters of the Abandoned Elderly sa San Juan City ang beautiful at energetic Sparkle star na si Patricia Coma.
With the Lolas
Nagbigay sina Patricia at Keisha ng masayang performance sa mga lola at nakipag-selfie pa sila bilang pag-alala sa araw na ito.
Niño Muhlach
Inabangan naman ng mga lola ang pagbisita ni Niño Muhlach sa Kapuso Brigade charity event.
Regalo
Bukod sa pag-perform at pakikipagkuwentuhan sa mga lola, namigay pa si Niño ng regalo niyang mga ensaymada.
Papa Dudut
Handog naman ng Barangay LS 97.1 DJ na si Papa Dudut ang lunch mula sa kaniyang food business.
Visit
Nangako si Niño na siya ay babalik sa Pasko at isasam niya ang mga anak na sina Sandro at Alonzo Muhlach.
Smiles
Ayon kina Patricia at Keisha, masaya silang nakita nila ang mga ngiti ng mga lola sa kanilang pagbisita. Ilan sa kanila ay nakisayaw pa sa Sparkle stars.
Time
Kuwento pa ni Niño, nagbibigay siya ng oras para makapagbigay saya at tulong sa kapwa.
"Lahat ng pagkakataon basta makakatulong tayo, or makakapagbigay tayo ng kasiyahan, talagang I make sure na pinupuntahan ko 'yung mga 'yun."