What's Hot

Aiai Delas Alas, hindi susuko sa paglapit sa ama ni Jiro Manio

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 9, 2020 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Nakausap na ba ng bagong 'CelebriTV' host ang biological father ni Jiro Manio sa Japan? 
By MARAH RUIZ
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Doble ang layunin ng pagpunta ni Aiai Delas Alas sa Japan nitong nakaraang linggo.
 
Isinama niya ang kanyang staff dito bilang pasasalamat sa walang sawa nilang pagtulong sa 25 taon niya sa showbiz. Bukod dito, pakay rin niya ang paghanap sa ama ng kanyang anak-anakang si Jiro Manio.
 
READ: Aiai takes loyal staff to Japan
 
Ibinahagi ng Philippine Queen of Comedy sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho na balak niyang magdala ng kopya ng mga pelikula ni Jiro para maipakita sa tatay at lola nito ang mga nakamit ng binata. Nais din niyang ibahagi sa mga ito ang pinagdaanan ni Jiro bago niya ito naipasok sa wellness facility. 
 
Sa tulong ng kanyang mga kaibigan sa Japan, natunton ni Aiai ang biological father ni Jiro na si Yusuke Katakura sa Southern Japan, ngunit nabigo silang makipagkita dito dahil may sakit ito.
 
"Medyo magulo pa kasi eh. Hindi namin masyadong nakausap 'yung daddy ni Jiro dahil may sakit siya," malungkot na sabi ni Aiai. 
 
"I think, papagalingin muna natin, 'tsaka tayo magkakaroon ng solusyon doon sa misyon ko na 'to kay Jiro," pagpapatuloy nito. 
 
LOOK: Aiai throws birthday party for Mama Mary
 
Hindi naman daw susuko si Aiai sa pangako niya kay Jiro.
 
"Siyempre, gusto ko siyang matulungan na makapunta siya sa Japan. 'Yung closure ba, sa father. Para makita niya kasi 'yun talaga 'yung gusto niya—'yung makita niya 'yung daddy niya, 'tsaka 'yung sinasabi niyang lola niya," bahagi nito.