What's Hot

Barbie Forteza at Kathryn Bernardo, mayroon nga bang kompetisyon sa pagiging 'Teen Queen?'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 2:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

YouTuber Vitaly on Philippine imprisonment: 'They really tried to break me, but it built me'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Nagbigay ng pahayag si Barbie Forteza tungkol sa teen queen title na parehong ina-attribute sa kanila ni Kathryn Bernardo. 
By AL KENDRICK NOGUERA
Kung mayroong Barbie Forteza ang GMA, mayroon namang Kathryn Bernardo ang kabilang network. Dahil pareho silang binabansagang Teen Queen ngayon, hindi tuloy makaiwas sa isyu ang dalawa.
 
READ: Barbie Forteza, nakangiti pa rin kahit pagod na
 
Agad na sinagot ni Barbie ang tanong kung totoo bang magkaaway sila ni Kathryn. "Ito totoo 'to ha. Hindi naman po kami magkaaway ni Kathryn kasi hindi naman po kami nagkikita. So there's no chance na magkaaway kami," saad ng The Half Sisters star.
 
Hindi raw alam ni Barbie kung saan nanggaling ang isyung ito. Aniya, "'Yung isyung 'yan eh sa inyo lang po 'yon [nanggaling], 'yung bashers ko na fans ni Kathryn."
 
LOOK: Unbreakable Kapuso-Kapamilya connections
 
Dagdag pa niya, "Sa 'kin wala naman pong kaso sa 'kin 'yon dahil I have nothing against Kathryn. Nasa inyo na lang po 'yan kung sa tingin n'yo [ay] 'yung pamba-bash n'yo sa 'kin ay ikagaganda ng image ng idol niyo, ng inyong teen queen."
 
Paano hina-handle ni Barbie ang isyung ito? "Actually dinededma ko lang. Pero okay kami ni Kathryn. Hindi ko nga lang alam kung natatandaan niya pa ako," sagot ng teen actress.