What's Hot

Who will make Pauleen Luna's wedding dress?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 16, 2020 4:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Hudson Williams, Tom Blyth sit front row together at Milan Fashion Week
Kapin 1.9 Million Deboto, Nisalmot sa Solemn Foot Procession | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Pauleen's manager, Lolit Solis, has the inside scoop. 
By AEDRIANNE ACAR

 
Nagbigay ng exclusive interview ang manager na si Manay Lolit Solis sa 24 Oras at nagkuwento ito ng ilang detalye tungkol sa dream wedding ng kanyang alaga na si Pauleen Luna at fiancé nito na si Bossing Vic Sotto.

Sa panayam ni Nelson Canlas kay Lolit, sinabi nito na binili raw ni Vic ang engagement ring na ibinigay nito sa dalaga sa Hong Kong.
 
READ: Engagement ring ni Pauleen Luna, mahigit isang milyong piso ayon sa eksperto  
 
Hiniling din daw ni Bossing kay Pauleen na maging intimate ang kasal nilang dalawa.
 
READ: Pauleen Luna misses fiancé Vic Sotto
 
Kuwento ni Manay Lolit, “It would be a very intimate, private wedding. 'Yun daw ang unang-unang request sa kanya ni Vic [Sotto].”
 
Nasa Amerika ngayon si Pauleen para umattend ng kasal ng isang kamag-anak at umamin ang Startalk host na maaari na doon na bumili ang aktres ng kanyang wedding gown.

Sino-sino ang pinagpipiliang designer ni Pauleen para sa kanyang wedding dress?
 
“Dahil nga intimate wedding ‘yun hindi na kailangan ‘yung magarbong-magarbong damit. Kaya ang balak nga niya dahil nasa States siya ngayon, baka bibili na ng off the rack. Kasi mayroon naman off the rack si Monique Lhuillier at 'tsaka si Vera Wang 'di ba.”