What's Hot

Mark Herras, never naisip na lumipat ng network

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Pagkatapos ng 12 taon ay namamayagpag pa rin ang karera ni Mark sa showbiz. Ano ang kanyang sikreto? 
By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Malinaw pa rin sa memorya ni Mark Herras ang lahat ng pinagdaanan niya noong siya’y sumali ng StarStruck. Para sa kanya, ang pagsali sa reality-based artista search ay isa sa pinakamalaking blessing sa kanyang buhay dahil marami siyang natutunan dito.
 
“Mas gumaling ako [makisama] sa mga tao… Mas [naging respectful] ako sa mga elders [at] sa lahat ng tao, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakababa,” kuwento niya.
 
Isa rin sa pinakamahalagang aral na natutunan niya ay pagpapasalamat sa kung anong meron siya. Patuloy man siyang nangangarap, sinisiguro niyang pinahahalagahan niya lahat ng meron siya sa kasalukuyan.
 
“[Natutunan ko] 'yung tumanaw ng utang na loob kaya never pumasok sa isip ko na lumipat ng kabilang network… Ako, kung ano 'yung meron, tinatanggap ko and if ever sabihin sa ‘kin ng GMA na [ito] 'yung role for me, kahit guesting lang, tinatanggap ko… ‘Di ako naghahangad,” dagdag ng StarStruck season one Ultimate Male Survivor.
 
Nang tanungin si Mark kung ano sa tingin niya ang rason kung bakit active pa rin siya sa showbiz kahit twelve years na mula nang siya’y manalo, mabilis ang naging sagot niya.
 
“…Kasi never ako naging bastos sa mga tao… With the people around me and people na nakatrabaho ko, alam nila na maayos ako [makitungo. Mahalaga 'yung] pakikisama, pagmamahal sa sarili, pagtanaw ng utang na loob, at siyempre, pasasalamat sa taas,” sabi niya.