Ilang mga personalidad, nagbigay-pugay sa burol ng brodkaster na si Mike Enriquez
Muling nagsama-sama ang ilang mga personalidad at mga mamamahayag upang magbigay-pugay sa yumaong brodkaster na si Mike Enriquez.
Sa una at ikalawang araw ng burol ng mga labi ni Mike, dumating ang ilan sa mga journalist na kanyang nakatrabaho noon upang makiramay.
Taong 1969 nagsimulang magtrabaho sa industriya ng brodkasting si Mike, at naging bahagi siya ng GMA Network taong 1995. Siya ay naging news anchor ng flagship primetime news program ng GMA na '24 Oras' at naging host ng long-running public affairs program na 'Imbestigador.'
Si Mike ay nagsilbi rin bilang Presidente ng RGMA Network, Inc. at GMA Network's Senior Vice President and Consultant for Radio Operations.
Pumanaw si Mike noong Miyerkules, August 29, sa edad na 71.
Sa pahintulot ng kanyang pamilya, bubuksan sa publiko at sa lahat ng mga nagmamahal kay Mike ang burol ng kanyang mga labi upang siya ay masilayan sa huling pagkakataon.
Ang nasabing public viewing ay nagaganap ngayong araw ng Sabado, mula 8:30 AM hanggang 3:00 PM sa Christ The King Parish, Greenmeadows.
Kilalanin ang mga kilalang personalidad na nagbigay-pugay sa legasiyang iniwan ni Mike sa gallery na ito:
Mel Tiangco
Sa unang gabi ng burol ni Mike Enriquez, ikinuwento ng batikang GMA News pillar na si Mel Tiangco ang mga hindi niya malilimutang sandali kasama ang yumaong kaibigan.
Jessica Soho
Agad din na dumalaw sa burol ni Mike Enriquez ang award-winning journalist at kanyang kaibigan na si Jessica Soho.
GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon
Nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ni Mike Enriquez si GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon.
Vicky Morales
Emosyonal ang GMA News anchor na si Vicky Morales nang masilip niya ang mga labi ni Mike Enriquez. Matatandaan na hindi rin napigilan ni Vicky ang kanyang pag-iyak nang ibalita nila sa '24 Oras' ang naging pagkamatay ni Mike noong Miyerkules, August 29.
Susan Enriquez
Ibinahagi rin ni Susan Enriquez ang mga mahahalagang aral na kanyang natutunan sa yumaong kaibigang si Mike Enriquez.
Kara David and Jon Consulta
Sabay na nagtungo sa burol ni Mike Enriquez ang GMA News correspondents na sina Kara David at Jon Consulta.
Arnold Clavio and Conie Sison
Nagpaabot din ng pakikiramay ang dalawa pa sa mga malalapit na kaibigan at nakatrabaho ni Mike na sina Kapuso News anchors Arnold Clavio at Conie Sison.
Pia Arcangel
Kasama ni Pia Arcangel na nagtungo sa burol ni Mike Enriquez ang ilan sa mga tao sa produksyon ng GMA Integrated News.
GMA Executives
Nagbigay paggalang at pakikiramay din ang iba pang GMA Executives sa pamilya ni Mike Enriquez na sina President and COO Gilberto R. Duavit Jr., at Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong.
Queendom
Isang taos-pusong pag-awit naman ang inihandog ng grupong Queendom na sina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Precillas at Rita Daniela, para bigyang pugay ang namayapang broadcaster na si Mike Enriquez sa burol nito kagabi, Setyembre 1, 2023.
Pia Guanio
Bumisita rin sa burol ni Mike Enriquez ang dating “Chika Minute” reporter ng 24 Oras na si Pia Guanio.