Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Healed na ba ang hearts nina Kristoffer Martin at Joyce Ching?

Updated On: March 9, 2020, 07:33 AM
Are they better off as friends?
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Halos tatlong taon din ang itinagal ng relationship ng ex-lovers at ngayo'y Healing Hearts stars na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Base sa ikinikilos ng dalawa, mukhang naka-move on na sila.
 
Tuluyan na nga ba nilang nakalimutan ang kanilang breakup? "Healed na po 'yung hearts [namin]," agad na sagot ni Joyce.
 
Ayon kay Kristoffer, naging maayos naman daw ang paghihiwalay nila kaya nanatili pa rin ang friendship nila ni Joyce.
 

"Parang wala naman nagbago sa 'min. Kumbaga ganito pa rin naman 'yung care [at] 'yung concern. Kumbaga ang nawala na lang sa 'min is 'yung label and commitment," saad ng Kapuso actor.
 
Lalo pa nga raw sila naging close nang mag-break sila. "Actually mas komportable kami sa isa't isa eh. Mas naloloko namin 'yung isa't isa ngayon. Kumbaga mas nailalabas namin 'yung totoong sarili namin na hindi namin nili-limit dahil alam namin na tanggap namin 'yung isa't isa," ani Kristoffer.
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.