What's Hot

Ken Chan, kuntento na raw sa supporting roles?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 11, 2020 7:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang tunay na goal ni Ken Chan sa kanyang showbiz career?
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Isa-isa nang nabibigyan ng lead roles ang mga ka-batch ni Ken Chan sa Tween Hearts tulad nina Barbie Forteza, Joyce Ching, Bea Binene at Kim Rodriguez. Ayon kay sa Healing Hearts star, wala naman daw problema kung supporting roles ang ibinibigay sa kanya.
 
"Basta ako, [ang] lagi ko sinasabi, basta ako may trabaho lang [okay na]. Bonus na lang 'pag sumikat pa," pahayag ni Ken.
 
Pero ayon kay Ken, kahit na kuntento na siya sa supporting roles ay tatanggapin niya pa rin kung aalukin siya ng lead role ng GMA. "Masuwerte ako kung mabibigyan ako ng lead role. Sobrang mapapa-thank you talaga ako. And kapag na-achieve ko 'yon, lahat [ay] gagawin ko. Hindi ko na bibitawan 'yun," saad niya.
 
Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong bumida sa isang show pero kung sakali mang mangyari ito, ano ang mararamdaman ni Ken?
 
"Siyempre may kaba kung mabibigyan ka ng isang malaking responsibilidad. Kahit sino namang artista na mabigyan ng lead role, responsibilidad namin 'yon dahil kami 'yung nakaharap, kami 'yung nakikilala ng tao," sagot niya.