What's Hot

Mikael Daez may mensahe sa 'Marimar' stars na sina Tom Rodriguez at Megan Young

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 28, 2020 9:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Suportado ng 'Ismol Family' star ang tambalang Megan at Tom. 
By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Inaabangan na ng mga televiewers ang remake ng hit Mexican telenovela na Marimar. Lalo na ang pagtatambal ng dalawa sa pinakamalalaking bituin sa showbiz industry na sina Miss World titlist Megan Young at Kapuso leading man Tom Rodriguez.
 
At isa sa pinaka-excited sa team-up nila Megan at Tom ay ang Kapuso hunk at Ismol Family star na si Mikael Daez.
 
READ: Mikael Daez, tinawag na bakla ni Roi Vinzon?

Sinabi nito na sobra siyang natutuwa sa pagtatambal ng dalawa na tinuturing niyang mga mabuting kaibigan.
 
Dagdag pa ni Mikael, malaki ang tiwala niya na magiging successful ang project nila na Marimar.
 
“Yes I am very-very happy for her [Megan] and Tom. Alam niyo naman si Tom, kasama ko sa Temptation Island pa lang. So I am so happy for them. Ang laking bagay na ibinigay sa kanila ‘yung project na ‘yun, ang laki ng tiwala na ibinigay ng GMA sa kanila, pero naniniwala ako na mabibigyan nila ng hustisya ‘yung project na 'yun.”
 
Catch Marimar this August in GMA Telebabad!