What's Hot

Mga bida ng 'Healing Hearts,' naki-Zumba

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 2, 2020 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Naaliw ang tatlong Kapuso stars dahil career kung career ang naging performances ng mga sumaling grupo sa Zumba fiesta sa Bulacan. 
By CHERRY SUN
 
Naimbitahan ang Healing Hearts stars na sina Kristoffer Martin, Joyce Ching at Krystal Reyes na maging judge sa isang Zumba fiesta sa Bulacan. Ngunit sa kanilang tuwa sa mga participants ay nakipagsabayan na rin sila sa pagsayaw.
 
Sobrang naaliw ang tatlong Kapuso stars dahil career kung career ang naging performances ng mga sumaling grupo. Maliban sa best group ay pumili rin sila ng tatanggap ng awards na Zumba King, Zumba Queen at pati na Zumbading.
 
“Mas masaya ‘yun ganito kasi mas maraming tao, plus different age groups, pati mga lolas, mga lolos,” ani Joyce sa interview ng 24 Oras.
 
“Ang saya po pala pagsabay-sabay kayo. Mas nakakagana. Mas hindi mo nararamdaman ‘yung pagod,” dagdag ni Krystal na tulad ni Joyce ay nagzu-zumba rin.
 
First time man ni Kristoffer na dumalo at sumali sa ganitong activity ay nag-enjoy rin ito.
 
“Kakaiba ‘to kahit simple lang ‘yung steps, kahit basic lang ‘yung steps, nakakapagod siya. So talagang nakaka-burn siya ng fats,” sambit ng aktor.
 
Video courtesy of GMA News