Kumportable na si Miss World 2013 na makatrabaho ang kanyang leading man na si Kapuso actor Tom Rodriguez na gagampanan ang papel ni “Sergio” sa Marimar.
Natuwa ang Kapuso star dahil sa working relationship nila ng aktor. Saad ng dating beauty queen sa 24 Oras, “Si Tom, lagi niyang iniisip na ‘Oh, kumportable ka ba dito? Okay ka ba dito? Ano sa tingin mo ang pwede nating gawin para mas gumanda ‘yung eksena natin?’ So, dun ako natuwa kay Tom, and feeling ko dun pa lang [ay] meron kaming working chemistry.”
Inihalintulad din ng aktres ang kanyang sarili sa kanyang karakter. Kagaya ni Marimar, si Megan ay galing din sa probinsya kung saan tumira siya sa Zambales bago pa man siya lumipat ng Maynila. Mahilig din siya sa mapahingalay na buhay sa tabing-dagat at sa simpleng pananamit.