'Padre Salvi,' 'sumingit' sa birthday surprise ni David Licauco kay Barbie Forteza
Kahit ilang buwan na ang nakalipas nang nagtapos ang hit GMA series na Maria Clara at Ibarra, inseparable pa rin ang trio na sina Barbie Forteza, David Licauco, at Juancho Trivino.
Ito ay dahil nagbunga ng panibagong proyekto ang kanilang mahusay na pagganap sa historical portal series.
Muli silang magsasama-sama para sa TV adaptation ng 1991 film na Maging Sino Ka Man kung saan magtatambal sina Barbie at David, at gaganap naman bilang kontrabida si Juancho.
Nagsimula na silang mag-taping para sa upcoming series at naganap na rin ang kanilang pictorial noong July 31, na natapat naman na 26th birthday ni Barbie.
Sa pictorial, sinorpresa ng Maging Sino Ka Man cast si Barbie sa pangunguna ng onscreen partner niyang si David.
Naging viral ito sa social media hindi lang dahil sa sweet surprise ni David para kay Barbie, kundi na rin kay Juancho na "sumingit" sa pakulo ni David, ayon sa ilang netizens.
Kinaaliwan si Juancho na tila nag-ala Padre Salvi, ang iconic character niya sa Maria Clara at Ibarra, sa gitna ng masayang sorpresa ni David kay Barbie.
"Padre Salvi amacanaa," hirit ng Facebook user na si @jhen.khan.3 kay Juancho.
Kabilang din sa mga sumorpresa kay Barbie ang isa pa nilang Maria Clara at Ibarra co-star na si Rain Matienzo, at iba pang Maging Sino Ka Man stars na sina Jean Garcia, Faith Da Silva, at Mikoy Morales.
Balikan ang birthday surprise ng Maging Sino Ka Man team kay Barbie.
David's surprise
Dahan-dahang pumasok si David Licauco sa dressing room ng kanyang Maging Sino Ka Man leading lady na si Barbie Forteza habang nagme-makeup ito para sa pictorial ng programa.